Mahirap ang Makipagayos Kapag ito ay Lumalala

>> Monday, March 8, 2010

chrisdailyn ordanza

chrisdailyn
Ang post na ito ay anonymous at walang binanggit na pangalan, para sa aral lamang at experience nang taong nagkukuwento, kung may pagkakahalintulad sa ibang pangyayari, ito ay hindi sinasadya.

Unang una ay nagpapasalamat ako sa Pinoysbig na blog sa pag publish nang aking kuwento. Ako ay nagkaroon ng kwento na parang masasabing aksaya lamang ng oras at panahon at pera. Ang aking nakilala ay di ko akalain na may tinatagong isang ugali na hindi kanais nais. Mabuti na lamang at suportado ang aking mga kaibigan nang ito ay nasabi ko sa kanila kagabi pagkatapos nila itong makita. Maaaring ang ibang tao ay di siya kilalang lubos, ngunit masasabi ko na nakilala ko na at ako ay naiinis sa aking sarili sa pagaaksaya ko ng mga mahahalagang oras sa aking buhay.

Wala sana akong balak na ikuwento ang mga bagay na ito, ngunit hindi ko namamalayan na sinisiraan na pala niya ako at pinapabasa ang aking mga text message, mabuti na lamang at ito ay ginawa niya sa isang mapagkakatiwalaan. Napakagaling niya, sapagkat noong kami pa ay okay, sinisiraan niya lahat ng tao pati ang tatay niya, kuya niya, at kahit ang boyfriend at pamilya nito. Madaldal pala siya. Ito ay hindi alam nang mga taong iyon na ganun pala ang kanyang mga sinasabi sa akin. Ngayon ay alam ko na maaring hindi totoo ang mga bagay na sinabi niyang iyon. Ako ay nagulat na ganun pala siya magtampo samantalang hindi man lang siya humingi nang patawad sa kanyang mga nagawa na panloloko at paggamit, paninira at pagwalang bahala sa mga nagawa niya.

May mga naririnig ako sa kanya na sinusumbatan niya ang kanyang magulang, at hindi siya marunong magbayad nang utang, tama nga wala nga siyang isang salita at siya pa ang may ganang magalit. Ito ay ikinuwento nang mga taong nakakakilala sa kanya at siya ay nagfoforward ng mga text messages at nagtatago nang mga ibedensyang negatibo upang ito ay magamit upang manira, ngunit ang mga taong pinagsasabihan niya ay hindi alam ang buong kwento at kung ano ang dahilan kung bakit ganoon ang mga text messages, ito ay isang pagsisinungaling na pabor lamang sa kanya.

Hindi ko na matanggap ang kanyang mga ginawa at hindi ko napigilan kaya sa tamang panahon na kagabi, ito ay sinabi ko sa aking pinsan at nabigla din sila kung bakit siya sumasama sa akin noon kahit gabi samantalang siya ay may syota. At ang aking pamilya ay nabigla nang aking ikuwento ang nangyari, nais sana siyang kausapin ngunit sinabi na nila na huwag na lang at pabayaan na lang upang hindi na ito lumala pa dahil wala din itong patutunguhan. Sinabihan din ako na huwag na lamang siyang kausapin o ano pa man. Marami sa mundo ang parang mabait ngunit sa katotohanan ay hindi pala.

Ako rin ay lubos na nagpapapsalamat sa kanyang mga pinakita, kung hindi niya pinakita ang ganoon ay di ko malalaman na ako pala ay nagsasalita nang walang silbi. Nakikipagusap pala ako sa isang bata na hindi nakakaintindi nang kanyang mga ginagawa basat bigla. Nasabi nga niya sa akin na isusumbong niya ako sa kanyang kuya, sa pagkaalam ko ako ay kanyang pasusuntok, ano kaya un? Samantalang noon ay sinisiraan niya ang kanyang kuya. Sayang na sayang.

Naalala ko noon isang buwan, humihingi ako nang tawad sa mga nasabi ko, ngunit mas lalo itong lumala. Hay ganyang talaga ang buhay, humihingi ka na nga nang tawad kahit sila ang dahilan nang pagkakasala mo, nagpapakumbaba ka na nga pero pinapalala pa nila. Kaya ang lesson sa ganitong mga bagay ay huwag na lang magsalita kapag alam mo na ang kausap mo ay hindi pa ganoong nakakaintindi at talagang mahirap kausap na walang respeto.

Read more...

Paano na kung ang isang babae ay may boyfriend

>> Sunday, February 7, 2010

chrisdailyn ordanza

I shashare ko lang sa inyo ang kwento na nangyari, wala naman akong babangitin na pangalan o sino man. Ang gusto ko lang ay matuto tayo sa bagay na nangyayari sa buhay.

Ang aking kaibigan ay isang nagmamaneho ng tricycle. Isang araw, may isang babae na naging pasahero nya, at ang aking kaibigan ay may kaunting pagtingin dito dahil sa kanyang kagandahan. Agad kong nagtanong kung sino siya, kinuha ko ang cellphone ng kaibigan ko at bigla kong kinuha ang kanyang numero at sabay na i-delete ito sa kanyang telepono. Galit ang aking kaibigan, ngunit ang aking rason ay gusto ko lang alisin ang numero ng babaeng iyon sa kanyang telepono. Ngunit ang aking pinagtataka, bakit binigay ng babae ang kanyang cellular number sa aking kaibigan?

Agad agad kong tinext and numerong iyon, at kami ay nagkaroon ng maraming usapin tungkol sa buhay niya. Nalaman ko rin na pinsan pala siya ng isang kaibigan. Nang isang gabi ay pumunta ako sa bahay ng aking kaibigan, at kapitbahay lang pala nila ito. Kami ay nagkwentuhan ng maikli lamang at ako naman ay natuwa at siya ay nakilala ko.

Natanong ko sa kanya kung mayroon na siyang boyfriend, at ang sagot nya ay "Oo". Ako ay medyo nanghinayang dito, dahil ang kanyang boyfriend ay kakila ko rin. Ako ay nagbigay ng respeto at naging pranka na gusto ko sana syang makilala (makilala lang) ngunit siya ay may boyfriend na pala. Samantala, ako ay nagtataka kung bakit ganoon pa rin ang pakikitungo niya sa akin. Panay pa rin ang text nya sa akin, at siyempre wala naman akong girlfriend kaya, nagtetext din naman ako sa kanya. Hindi naman masama sa akin ang kumilala ng mga babae at sa katunayan nga ay marami akong kinilala bago ko makita ang aking gusto. Maaring sa pagkakataong ito ay mapagkakamalan akong babaero. Galing din sa kanyang pinsan na crush niya ako, at siyempre iyon at pinaniwalaan ko.

Isang gabi, ay nagtext siya sa akin na sila ay nasa computer shop kasama ang kanyang classmate. Ako ay nagalala dahil sila ay babaeng dalawa at sabi pa niya maglalakad daw sila. Ako ay nagtanong kung bakit hindi siya magpasundo sa kanyang boyfriend, at sagot naman niya na wala naman daw itong pakialam at nagtext lang daw na "Ingat". Mga 10 PM noon at nakita ko silang naglalakad sa kanto ng boulevard, napansin ko rin na may mga lalaking nagtatambay doon at maaring sila ay mapahamak. Ako ay nagtaka bakit hindi man lang siya ihatid nang kanyang boyfriend.

Sa aming maraming araw na paguusap sa personal o sa text, nasabi niya sa akin ang kanyang mga problema, kasama ang problema sa pamilya at iba pang mga bagay bagay. Nasabi niya rin ang kanyang problema sa kanyang boyfriend. Tinatanong ko ito sa kanya "Kumusta kayo ng boyfriend mo?" sinasagot niya sa akin na "Nagaaway kami ngayon", bilang respeto sa babaeng may boyfriend, hindi mo siya dapat agawin, samantala naikwento nya sa akin ang mga bagay bagay na nagtulak sa akin upang ako ay magkasala. Sinabi niya na hindi raw siya gusto ng pamilya ng boyfriend niya. Nawala daw ang ina ng boyfriend niya nang hindi siya natatangap. At ang mga nakakatandang kapatid ng boyfriend niya ay pinaparinggan siya kung minsan. Sa kanyang pagkakasabi nito ako ay naawa at nagisip na bakit naman ganoon ang pamilya ng kanyang boyfriend, samantalang iba ang pagkakilala ko sa mga ito. Ako ay nagkaroon ng konklusyon na maaaring siya ay nahihirapan.

Ibang mga araw pa ang dumaan, siyempre ang turing ko pa lang sa kanya ay isang kaibigan muna, kaya lang, tinanong ko ulit sa kanya "Kumusta kayo ng Boyfriend mo?" Ang sabi naman niya ay sila pa rin pero parang ayaw na niya sa kanya at hindi lang sila nagbrebreak dahil alam ng karamihan na tao na sila. Naisip ko na nagtitiisan pala ang isa't isa upang hindi mapahiya ang pamilya, maaring ganoon. Sabi ko sa aking sarili, bakit naman niya kailangan magtiis, o bakit nila ginagawa ang ganoon. Dito ay nagkaroon ako ng lakas ng loob upang siya ay ligawan nang patago na hindi niya nalalalaman.

Siya ay niyaya ko upang aking makasama, noong panahong iyon, may kainan sa bahay ng tita ko, siya ay niyaya ko upang makilala niya ang mga ibang mga kapatid. Nabigla ako nang hindi siya tumanggi sa akin. Ako ay nagisip na siguro ay tama nga siya na nagtitiis lang siya sa kanyang boyfriend upang hindi mapahiya. Sa sitwasyong ito, alam ko nagkakasala ako, ngunit ang aking tanong ay, bakit kailangan niyang magtiis sa bagay na hindi naman niya gusto at parang mas nagkakasala pa sila kung ganoon man. Hindi ko alam ang aking gagawin, pero hindi ko maideny na nagustuhan ko nga siya, ngunit ako ay nagdadalawang isip dahil alam ko naman na may boyfriend siya. May mga oras na gusto ko umiwas, pero dahil sa ako ay tao lamang may mga oras na hindi ko mapigilan at gustong gusto ko siya makita.

Dahil dito, may mga araw na sabay kaming kumakain dahil niyayaya ko siya. Ineexpect ko na hindi dapat siya sumisipot dahil may boyfriend siya at hindi dapat siya sumasama kapag kami ay nagiisa. Minsan papunta kami sa isang restaurant upang mag lunch, sinabi niya sa akin sa jeep na sana ay nakilala na niya ako noon. Ako ay nabigla at napaisip na may pagtingin pala siya sa akin. Since, ako ay taong pranka, dahil sa sinabi niyang iyon, ako ay napaisip na kailangan ko siyang tulungan. Maraming mga bagay ang nasa aking isip at parang naiisip ko na bakit ganito ang nangyayari. Nasabi niya rin sa akin na bahala na ang relasyon nila, aalis naman siya nang pilipinas pagkatapos niyang pumasok sa eskwela at iiwan nya ang kanyang pamilya. Ako ay napaisip at nagkaroon ng mga salita na hindi dapat sinasabi.

Dahil dito ako nag nagdesisyon upang siya ay ligawan nang patago, sinabi ko sa kanya na iwanan na nya ang kanyang boyfriend. Sinabi ko na rin at nagtapat na rin ako sa kanya na gusto ko siya, gusto ko rin siyang makilala nang lubos.Ako ay nagisip kung ito ba ay tama, pero bakit ganoon kung mahal niya ang kanyang boyfriend, bakit niya sinisiraan ang mga ito kasama ang kanyang pamilya. Naalala ko rin noon nung panahon ng kanyang duty, sinisingil daw siya nang pangasolina habang sinusundo siya.

Naging routin namin ang pagtetext sa isa't isa. Minsan siya daw ay walang magawa at gusto niyang pumasyal, Minsan din ay nasusundo ko siya sa kanilang bahay upang siya rin ay ipasyal. Nagisip ako sa panahong ito na hindi niya talaga mahal ang kanyang boyfriend dahil sa kanyang pinapakita. Samantala naging maingat pa rin ako at nagisip nang malalim tungkol sa nangyayari.

May panahon na gusto ko nang umiwas sa kanya dahil hindi ko alam kung siya ay nagsasabi ng totoo o hindi. May narinig din ako sa aking pinsan na sinabi ng tito ko nung nagkita sila sa mall kasama ang kanyang boyfriend. Nung araw din na dumating ang kanyang ina galing sa ibang bansa, gusto nilang pumunta sa dagat. Ako ay nagtanong bakit kailangan pang ako ang sumama sa kanila upang magmaneho nang sasakyan, eh samantalang limitado ang sasakyan sa amin at sa madaming sasakyan ang pamilya ng kanyang boyfriend.Ako ay pinilit niya noon, dahil aking ding ipinromise, ngunit hindi ako pumunta.

Hindi ko maipagkakaila na ako ay umaasa na sa kanya, ngunit dumating ang panahon na siya ay nagtampo, maaring dahil hindi ko sinipot ang kanyang ina nung sila ay dumating o may ibang rason pa. Ako ay umasa sa kanya ngunit naisip ko rin na hindi dapat, dahil kahit na hindi niya mahal ang kanyang boyfriend, ay may boyfriend pa rin siya. Kahit na di maganda man ang ugali ng kanyang boyfriend, girlfriend pa rin siya, at wala akong karapatan. Ngunit may mga oras na naitetext ko siya tungkol sa aking nararamdaman na gusto ko pa rin siya. Hindi sa punto nang mataas na antas nang pagkagusto ngunit dahil sa kanyang pinakitang kabaitan at nasabing mga problema ay patagong nagkaroon ng patingin at niligawan ko siya.

Sa ibang banda, aaminin ko na niligawan ko siya nang patago. Ginawa ko ito upang umiwas sa mga salita nang ibang tao, ngunit hindi ito nangyari, may mga nagsasabi at parang alam na ganoon ang nangyari. Ako ay nagalala dito, ayoko na masira kung sino man sa aming lahat kasama ang kanyang boyfriend. Kaya ito ay aking dineny kahit sa kanya mismo. Parang nanligaw ako sa kanya sa text lamang at alam niya iyon ngunit napansin din ng aking mga kasama at parang ito ay lumago. Ngunit hindi ko nagawang magsabi sa kanya nang bagay na formal sa panliligaw dahil sa limitasyon, bagaman may mga panahon na parang inaagaw ko siya at ito ay isa na namang pagkakasala. Nagkomento ang isa kong kasama na parang ayaw naman niya talaga sa akin at gusto daw ng lola niya na mapangasawa na ang kanyang boyfriend. Kaya kung may magtanong man na alam nila na nanligaw ako sa kanya, isinasagot ko na lang nang pabiro na hindi niya ako gusto. At ang usaping ito ay aking nang pinabayaan at dinadaan ko na lang sa biro.

Humiram siya nang pera sa akin, upang pambayad sa kanyang tuition fee. Ang usapan ay babayaran ito nang isang buwan, ngunit hindi ito natupad, ako ay nagalit sa kanya. Kinausap ko siya sa aking pagkaprofessional at hindi bilang isang kaibigan. Hangang dumating din ang panahon na nakautang ang kanyang ama sa akin, at nahirapan din akong maningil sa kanila. At ang higit na nagpalinaw sa akin ay nalaman ko na naiforward niya ang lahat ng text messages ko sa kanyang boyfriend. Kung ako ang boyfriend niya, siguradong hindi ko matatangap at sobrang inis ako dahil may nanliligaw na iba sa girlfriend ko. Maaring puntahan ko ang taong ito at siya ay kausapin na lubayan niya ang girlfriend ko, at dahil tayo ay tao lamang, maaaring makasakit pa tayo nang hindi natin inaasahan. Napaisip ako sa mga bagay bagay na nangyari. Ano kaya ang rason niya kung bakit niya nasabi ang mga bagay na ganoon tungkol sa kanyang boyfriend, samantalang ito naman ay pinagkakatiwalaan niya. Napaisip ako na maaaring kasabwat niya ang kanyang boyfriend upang manloko? Ngunit ito ay imposible. O kaya ay maaaring siya ay nagalit dahil hindi siya napagbigyan sa kanyang gusto? O maaaring nagsawa at napaisip na boyfriend na lang niya ang pipiliin.

Isang gabi, nagtext ang boyfriend niya sa akin at tinanong kung ano ang problema at gabing gabi na. Ako ay nabigla dahil sumunod na pagkakasabi ay alam niya lahat ng tinitext ko at alam din niya ang aking panliligaw. Hindi ako nagdalawang isip na alamin kung ano ang kanilang sitwasyon, at sa aking pagaanalisa sa text nang kanyang boyfriend ay nakita ko na hindi pala ganoon ang pagkaisip ko sa kanyang boyfriend. Kami ay nagpalitan ng text messages at humingi ako nang paumanhin sa maraming panahon nang problema at distorbo na binigay ko sa kanya.

Mabuti at nagkaroon ako ng fever pitch of feelings sa mga oras na iyon. Sa huling mga buwan, unti unti siyang nawawala, nakapagdesisyon rin ako noon na huwag na lang. Ngunit hindi pa rin maiiwasan kung minsan na kausapin siya tungkol sa pagibig, at may text siya dati na parang nagbago na sinasabi niyang makakahanap ka rin balang araw. Ito ay nagbigay sa akin ng idea na maaaring okay naman na siya sa kanyang boyfriend at ito ay seryoso. Sa gabing nagtext sa akin ang kanyang boyfriend, nakita ko ang sagot sa lahat nang tanong. Marami akong natutunan sa kwentong ito sa buhay. Una, huwag kang magtapat sa taong hindi mo naman masyadong kilala. Pangalawa, huwag kang manliligaw ng babae kung ito ay may boyfriend. Pangatlo, huwag manliligaw ng babae kahit na masasabing hindi niya mahal ang kanyang boyfriend. Pangapat, huwag kang manliligaw sa babae na may boyfriend kahit na sila ay nagaaway. Panglima, huwag mong i take advantage ang oras na sila ay nagkakalabuan. Panganim, Isipin mo na ang mga babae ay pabago bago lagi. Pangpito, laging isaisip na hindi ka dapat magtiwala sa babaeng may boyfriend na gusto ka rin nila.  Pangwalo, Huwag magtetext nang mga seryosong bagay, maaaring gamitin ito upang ikaw ay siraan sa lahat, lalo na kung wala kang hawak sa kanyang mga sinabing reply at baka maging ikaw lang ang masama. Pangsampo, huwag pairalin ang puso lamang, dahil ito ay mapanglinlang, ang kagandahan ay maaring nakakabulag at hindi nakikita ang loob, nakakasawa at nakakabulag ang kagandahan.

Naudyok akong isulat ang kwentong ito dahil sa pagkakadiskobre nang mga bagay bagay, ang purpose nito ay upang tayo ay matuto sa experiensiya nang iba, at magkaroon ng adjustment, at hindi maulit ang pagkakamali nang nakaraan. Sa ngayon ay gusto ko lamang isulat ang kwento na ito dito sa isang bagong blog, at mananatiling sekreto sa lahat kung sino man ang mga taong nasa likod nang pangyayari.

So pano na? Narealize ko na tama na pala ang aking naisip dati na hindi na lang ituloy. Ngunit kapag oras na naniningil na ako nang utang ay naaalala ko siya. Hindi bale, hangang bukas na lang iyon. Ako ay natauhan, ngunit ako ay nagpapasalamat sa mga nangyari at aking nalaman na hindi siya karapat dapat sa akin. Ayokong magkaroon ng kasama sa buhay na maaaring maraming tinatagong kasinungalingan, o baka sirain pa niya ako sa ibang tao. She is too good to be true, na halos maniwala ka sa lahat nang sasabihin niya. Ngayon ay alam ko na kung bakit maaaring nagbago ang pagpansin ng ibang mga kapamilya ng boyfriend niya sa akin. Naalala ko ang text message ng boyfriend niya na matagal na pala itong naaasar sa akin, mabuti at ito ay aking nalaman. Ako ay makikipagayos sana sa kanyang girlfriend at humingi ng tawad ngunit parang mas lalo niya itong pinalaki at ito rin ang daan upang maikwento ko ang ibang istorya na ito sa blog na ito, Ginawa ko na ang dapat kong gawin, humingi na ako nang pasensya, bahala na sila kung ito ay kanilang tatangapin. Siyempre, ako ay nagpapasalamat sa mga tanong na nasagot, at sana ay maging okay ang lahat sa kanila, dahil naging okay na ang lahat sa akin. Paano kaya ang ibang problema nila? Ano kaya magiging reaksiyon nang kanyang boyfriend kung malaman niya na ganoon? Hindi ko na intensyon na sumali pa sa usapan nila, kung hindi sasabihin nung babae, sa kaniya na iyon kung talagang ako ang lalabas na masama. Sino ang biktima? Syempre pa ra sa akin, kaming mga lalaki, kasama ang kanyang boyfriend. Sino naman ang nagkasala? siyempre nauna siya, at sumunod ako na nagkasala, at maaring susunod din ang kanyang boyfriend, kaya nagkasala lahat at ito ay aking lubos na pinagsisisihan, sana ay ganoon din siya. Dahil dapat nating gawin na huwag na lang magtanim ng sama ng loob at maging mapagpatawad, at sana ganoon na rin siya. Bahala na siya kung papaano niya ito iaaply sa buhay niya.

May mga dapat linawin, biglang nawala ang aking pagtingin sa kanya, ang pagtingin sa kanya ay hindi pagibig, kundi ito ay paghanga na maaaring mapunta sa pagibig kapag nakilala mo siya. Ngunit aking sasabihin na wala akong balak na makita siya, naiinis ako, maaring magaantay nang panahon noon pero hindi biglaan, napakalaking istorbo siya sa aking buhay na halos ginugol ko ang oras para piliting masulat ang blog na ito. Ngunit sa kanyang pinakita, parang gusto kong ibalik ang panahon noon na sana ay hindi ko na kinuha ang numero niya sa aking kaibigan. At sana ay makapagbago siya at maging mabuting asawa sa hinaharap. Magpatawad at kalimutan ang problema nang nakaraan. Hanggang dito na lang, sana ay matuto kayo, at maging proteksiyon sa inyo pagiwas sa bagay ito.

Ang blog na ito ay may mga tanong?

1. Paano kung magkita kayo ng boyfriend niya?

2. Paano kung magkita kayo ng girlfriend niya?

3. Paano kung magkita kayo ng magulang ng boyfriend niya halimbawa alam nila lang nangyari?

4. Paano kung nagbreak sila dahil nalaman nang boyfriend niya ang ginawa ng girlfriend niya?

5. Paano kung hindi naniniwala ang boyfriend niya sa kwento na ginawa ng girlfriend niya?

6. Gugustuhin mo pa rin ba ang babae kapag ganyan ang ginawa niya sa iyo?

7. Mapapatawad mo ba ang girlfriend mo kung ikaw iyong boyfriend niya?

8. Kung ikaw ung girlfriend, paano mo aayusin ang problema mo sa boyfriend mo at sa taong isa?

9. Ano ang pagkakamali nang taong patagong nanligaw sa girlfriend na may boyfriend?

10. Ano ang natutunan natin sa kwentong ito?

Read more...

Ito ay blog para sa tagalog

Ginawa ko ang blog na ito para sa salitang Pinoy. Ginawa ang blog na ito upang makatulong sa mga nangangailangan ng advices sa lahat ng problema sa buhay.

Nais mo bang magbigay nang kwento sa iyong buhay ngunit hindi mo kailangang magpakilala? Nais mong makatulong sa mga ibang may problema na tulad nang sa iyo? Tulad nang lumang larawan na iyan, maaaring ang mga tao ay ayaw nang ibalik ang dati nitong anyo dahil sa maaaring kagandahan nito ngayon. Ganun din ang ating buhay, may mga bagay na makakatulong tayo sa mga ibang tao upang sila ay matuto sa mga nakaraan at ayaw na rin nilang balikan.

Alam natin na ang mga nakaraan na problema ay maaring kasalukuyang pinagdadaanan nang marami. Kung mayroong kang mga lumang mga problema noon na maari mo itong ipaalam sa amin at maibahagi sa mga active bloggers at readers sa aming mga websites, at hayaang sila ay magkomento sa iyong naging problema.

Ipadala lamang ang inyong mga kwento sa xhitr@yahoo.com.

Read more...

About This Blog

tagalog blog

  © Free Blogger Templates Wild Birds by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP